Sunday, June 19, 2011

PRIDE VS. LOVE

Naku madame ako nyan, hindi ko alam pano ko mabababaan ang pride ko. Kung tutuusin mataas ang pride ko, kahit gusto ko makita ang isang tao minsan aantayin ko pa talaga sya na sya ang maunang makipagkita saken, pag gusto ko makatext isang tao, aantayin ko ulit na sya ang mauna at pag may kagalit ako aantayin ko muna na sya ang maunang makipagbati..hayy!! walang mangyayari saken kung panayPAGHIHINTAY ang gagawin ko. Forever na ata ako maghihintay eh..
Love???? Marami din ako nyan, alam ko marami nagmamahal sa akin..^_^
Ako may minamahal na ba ako? Hayy!! Ewan ko eh. It’s been a year nung huli ako magmahal, ngayon may boyfriend na ko na dati kong bestfriend peru I don’t think na my heart beats for him already eh. I admired him, liked him, always missing him and dreamed him. He’s always on my mind running. I can’t say na I love him already, he is someone special and someone very close to my heart ♥♥♥
Hindi ko alam kung dapat ko pa ba pairalin ang pride ko pag usapang puso na ang pinaguusapan.. Medyo magulo din kasi ako minsan. But somehow I know, I can endure it.

Saturday, June 18, 2011

Ganito kame...

Sa simula pa lang alam ko ng maaring maging balakid ung differences namen ng religion. Iglesia ni Cristo sya at Catholic naman ako. Nagsimula kame sa pagiging mag bestfriend, high school pa lang kame mag bestfriend na kame, nawala sya ng 2 yrs. because of his commitment sa girlfriend nya before (ex-gf nya na ngaun) then last year nung nagbreak sila ayun naging close ulit kame, nagkikita kame ulit.

Actually naging kame na nung high school pa lang kame, then ayun ngaun kame ulit..High school palang kame magbestfriend na kame. ahm..1 month na nga ata kame ngaun eh, o mahigit sa 1 month na, wala kasi kameng date eh kaya wala kameng monthsary. Bago pa lang kame, medyo naging matagal kasi ang naging getting-to-know-each-other stage namen eh.

Sa totoo lang bawal etong relationships namen. Bawal sa kanila ang makipagrelationships pag hindi INC..hayy!! mahirap sa kung mahirap, actually un ang dahilan kung bakit ayokong maging kame, kasi malaking gulo panigurado, mahirap at hindi ko alam kung makakaya ko ba kasi eto yung 1st time na mag ka bf ako ng Iglesia ni Cristo eh..But he told me na "hindi pa nga tayo nagsisimula, susuko ka na agad".
yun ang isa sa naging dahilan kung bakit naging kame ngaun, pero syempre that time gusto ko na talaga sya.

Ang nakakalungkot lang sa relationships namen ngaun is hindi nya ako maipakilala sa mga magulang nya na as girlfriend nya..

BF ko : Jane pag nagtanong sila o si mama kung nililigawan kita, ang sabihin mo hindi..


Ako: bakit kasi bawal? 


BF ko: (nagulat sya na alam kong bawal)


> medyo nahurt nga ko jan eh..it's the first time na nangyari saken na hindi ako pwede ipakilala na as girlfriend


.They only knew na magbestfriend lang kame though nahahalata siguro nila peru ewan ko lang..Medyo naiintindihan ko naman kasi bawal eh.."Pero yun na nga eh bawal di ba? bakit kailangan pa natin ituloy to" . Ang sagot nya uunti-untiin daw namen. I didn't get him but I just said, "Okay, cge subukan naten"


Nakasama na nga pala ako sa pagsamba sakanila pero once pa lang nung hindi pa kame..Nung naging kame na, hindi na ko nasama kasi sabi ko sknya ayokong maramdaman na magkaiba kame. Nalulungkot lang ako pag iniisip ko yun, hindi naman maiwasan pero sympre bf ko sya e hindi nman pwedeng dedmahin ko ung issue na un. Medyo may pagkaselfish din kasi ako eh..nu ba yn..hayy!!

Pero yung pagsamba na un ang nagiging issue namen lage pag niyayaya nya ko at ayaw ko sumama..Nakakalungkot pero wla naman ako magagawa eh, kasi practically speaking kahit anung gawin namen, kahit anung gawin nya BAWAL pa din to' unless papaconvert sya o ako at ang pinkanakakatakot na ayaw kong mangyari is ung matiwalag sya sa pagiging Iglesia dahil saken,,Yun naman ang ayaw ko mangyari dahil alm ko at napapansin ko kung gano sya kadevoted sa religion nya..

Few weeks ago, the day na pupunta dapat sya dito sa bahay pero hindi natuloy kasi pinatawag sya sa kapilya nila. Tinext nya ako nung time na un na hindi sya mkkpunta, Napakiramdaman ko na, na tungkol samen kng bkt sya pntwag. Siguro marami na ang nakaalam. Hanggang ngayon hindi ko pa alm yung buong details kng bkit sya pinatawag kasi hindi pa naman kame nagkakausap ng matino eh..

In this case, TRUST and FEELINGS ang nagbubuklod samen ngayon.